Haven of an Undesired Human…

Latest

Eksklusibo: Ang salamin ni titu buy abundat

Dear Lian,

Ano ka bang tatanga-tanga kang bata ka. Oo, bata dahil daig mo pa ang isang batang paslit na hindi makaintindi. Hindi mo ba nakikita na unti-unti ka ng nadudurog sa pagpupumilit mong maayos ang lahat. Anong tingin mo sa sarili mo si Batman? Bakit batman? Walang pakelaman, basta Batman. Hindi ka superhero na kaya ang lahat. Feelingera nito! Hindi ko alam kung bakit nagpapakatanga ka, eh sabi nga nila ang talino mo daw? Weh? May matalino bang ganyan? Hindi! hindi ka matalino… napakalaki mong BOBITA. Kung pwede lang kitang hampasin ng takip ng kaldero ginawa ko na. As a matter of fact kung totoo lang ako wala pang 1second nasaktan na kita ng bonggang-bonga at baka sakaling natauhan ka pa. Wala naman ibang dapat sisihin sa lahat ng pinagdaraanan mo kundi “IKAW, YOU, YOURSELF” dahil ikaw naman talaga ang may kargo sa sarili mo. So kung ano man ang gawin monng move o desisyon, kung magkamali ka man ay wala kang dapat i-point kundi ang sarili mo mismo.

Ang hilig-hilig mong mag-emo-emohan bakit naglalaslas ka na? Naglalagay ka ba ng itim na eyeliner at itim ba kuko mo? ‘Wag ka ngang echusera at paawa effect ka pa dyan, lumang style na yan. Sa tingin mo sa kakaganyan mo may napapala ka? Wala naman di ba? May nangyayari ba? Wala naman diba! Kaya kahit buong magdamag kang umemote d’yan eh walang papansin sa’yo. Kasi, kakasawa na yang mga eksena mo day! Dios mio de barabaridad! 2012 na, pero kung makaasta ka Maria Clara? Kahit pagsabihan ka pa ng ulit-ulit wala namang epekto dahil ikaw din naman ang magdedesisyon sa huli. Agree?!

Alam mo bang nakakasawa kang kausap at tingnan? Puro ka isip, puro ka timbang, kinakawawa mo lang yung sarili mo. Isa kang malaking T. A. N. G. A. Oo kailangan capital letters lahat baka sakaling sumiksik dyan sa utak mo na ikaw ang nagpapakawawa sa sarili mo. Ikaw mismo ang nagpapakalugmok sa sarili mo. Eh truelili, knows mo kung anong gagawin kung paano i-end yang kaartehan mo. Nanghahawa ka pa ng iba, binibigyan mo pa ang ibang tao ng ikaka-stress nila dahil sa kaka-rant mo tungkol sa kabiguan mo sa buhay at kung paano mo nailigaw yung pusa na binigay ni aling nena. Ano ka ba! GET A LIFE, ang ganda kaya ng life para lang makipagpaligsahan sa mga nauusong telenovela. Hindi ka artista ineng, at hindi ka artistahin para umeksena ka ng ganyan.

Nakikita mo ba sarili mo? Ikaw sumisira ng sarili mo, ikaw ang may kasalanan, ikaw ang dapat sisihin kung bakit mai-empeach si Justice Corona, bakit magtataas na naman ang gasolina, bakit nakalaya na si Singson mula sa pagkakakulong sa Hongkong at kung bakit may posibilidad na matutuloy na ang labanang Paquiao-Mayweather! Ikaw! Oo, Ikaw lahat! Kaya pwede ba tigil-tigilan mo na yan. Wala kang mapapala, at wala namang nangyayari. Di mo subukang sumakay sa chubibo baka sakaling makaramdam ng saya o kaya try mong kumain ng isang galong ice cream na mag-isa tapos pagkatapos eh magjogging ka ng 100 times sa Rizal Memorial Sports Complex na may hila-hilang karetela baka sakaling matauhan ka. Kailangan pauli-ulit teh ang payo? Anong kailangan mo support? Moral, spiritual, emotional, support galling sa Akbayan o Gabriela? Eh tuktukan na lang kaya kita sa ulo gusto mo? Dahil sa katigasan ng ulo mo sumusuko na ko, di nga lang ako makapiyok eh. Kung pusa ka lang sure ako nailigaw na kita. Uuuuuuuuuttttttttaaaaaaaaaaaangg na loob Lian tigilan mo na yang kakaself-pity mo. Nakakastress ka kaya. Nawawala ang beauty ko sa’yo. Subukan mong ayusin ang sarili mo. Kung paano? Di ikaw na ang may knows n’yan. At wala na kong kebs kung after this eh lost ka pa rin.

Seryoso, hahayaan mo bang magpakalunod sa mga ganyang bagay. Payat ka na and that means sexy kana. Ok pumayat ka di dahil sa pagdidiet mo, pumayat ka dahil sa stress mo. Sa tingin mo maganda un? Sa tingin mo achievement yun? Sexy ka nga mukha ka namang si Tandang Sora so carry lang yun sa’yo? Ang gusto ko lang maintindihan mo na hindi pa katapusan ng mundo, hindi mo pa nga nakikita ng personal si Xian Lim at marami pang fish sa fishpond. Isipin mo ikaw gumawa ng pagbabago, ikaw ang may hawak ng susi para maging maayos ang lahat, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo at hindi mangyayari yun kung patuloy kang magiging ganyan. Paano mo aayusin yung mga bagay na gusto mong ayusin kung ang sarili mo nga hindi mo maayos. Di mo naman kailangang kawawain ang sarili mo. Look, it’s just a matter of perception. Kung madilim ka mag-isip syempre, syempre mi amore madilim din ang kapupuntahan mo. Chaka nasaan ka Lian? Yung Lian na masayahin, yung matapang kahit walang itak, yung di agad umiiyak, yung palaban, yung may positibong pananaw? Nasaan na yung Lian na kahit mahirap sige lang.

Maraming bagay ang dapat mong ipagpasalamat. Tulad ng buhay mo, ng mga taong hindi mo man nakikita o nakakasama eh nagpaparamdam ng kahalagahan mo. Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mong maging maligaya sa mga taong pinili mong maging maligaya dahil may mas mahalaga at mas masaya pa sa inaakala mo. Isipin mo na lang na kung hindi talaga pwede, eh di talaga pwede. Isipin mo nalang din na baka may mas maganda pang plano sa’yo si Papa Jesus. Di ka ba nahihiya sa KANYA? sinasayang mo yung binibigay niyang buhay sa’yo. Subukan mong buksan ang puso, mata at isip mo sa mga magagandang bagay na pinapalibot NIYA sa’yo. S’YA nga nakakalimutan mo eh, pero andyan pa rin SYA para sa’yo. Akala mo sobrang bigat na yang dinadala mo eh mas mabigat pa nga ung dinadala N’YA pro di SYA nagrereklamo kahit dinedeadskin SYA ng madlang pipol.

I let go mo na lahat, I let go mo na ng tuluyan ang lahat-lahat, wag ka ng magbitbit ng kahit ano. Kasi hindi mo naman na iyon kailangan. MAS MAHAL KA N’YA kailangan mo lang makita at kailangan mo lang S’YANG papasukin sa buhay mo. Sureness, kahit ang pinakabasic na hinahanap ng isang babae sa isang boyfriend ay mabu-burry deep. Tigilan na yan ah, tama na.. Move on na girl. Mag -let go na. Enjoy mo na lang yung ngayon, kundi magiging maganda tanggapin mo na ganun talaga eh. Ibig sabihin lang nun may iba pa SYANG plano. Kaya BEE HAPPY, BEE BUDOY!

Nagmamahal,

Salamin ni Titu Buy Abundat

triste

Sana kasabay ng pag-agos ng luha, 
maanod din ang pait at agam-agam... 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 33 other followers