Haven of an Undesired Human…

REPOST: Classroom, hindi lapis.


by Bob Ong on Friday, May 27, 2011 at 3:47pm

Sana yung mga kumpanya, lalo na yung malalaki, ibuhos na lang ang tulong sa edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga eskwelahan, o kahit ng paisa-isang classroom, o pagkukumpuni ng mga luma, delikado, at hindi na nagagamit na silid-aralan.  Kung hindi kaya ng isang kumpanya, pwedeng makipagtulungan sa isa pang kumpanya…o grupo ng mga kumpanya.  Ang importante, nakakatulong nang malaki ang mga may malaking maitutulong.

   
 

Yung mga bag, pambura, krayola, lapis, ballpen at papel…sige, pati na mga libro o ilaw, electric fan, blackboard, at cabinet…pwede nang pagtulung-tulungan sagutin ng mga donasyon ng ordinaryong mamamayan.  Sayang ang kapasidad ng malalaking korporasyon kung ang konsepto nila ng pagtulong ay kapantay lang ng mga naibibigay ng pribadong indibidwal.

   
 

Eskwelahan, buildings, classrooms, facilities–laging kailangan, laging kulang.  Mga korporasyon lang ang makakatulong sa pamahalaan na tumugon sa kakulangan natin ng mga ganito.  Sa pananaw ko, yung mga reading programs, educational materials, at school supplies, pwede na muna nilang kalimutan dahil kaya naman itong sagutin ng NGO’s at mga nagmamalasakit na mamamayan.  At aminin na natin, napaka-bulok ng style ng mga kumpanyang pabibilhin ka muna ng mga hamburger nila para mag-donate sila ng isang milyong piso…na alam naman natin, ay barya lang sa kita nila bawat araw.

   
 

   
 

   

Pahabol na reaksyon sa mga comment:

May sariling mga proyekto ang dalawang malalaking istasyon ng TV, sa tulong na rin ng mga mamamayan.  Pero kung ibubuhos nila ang lahat ng tulong sa paggawa ng classrooms, malamang ay kayanin nila ang pagbuo ng tig-isang maliit na elementary school bawat taon.

   
 

Maski ang maliliit na foundation/organization, kung iipunin ang resources nila at magkakaisa sa isang proyektong pang-edukasyon, ay makakabuo at makakapag-ambag ng paisa-isang classroom o school building, at hindi lang ng mga dole-out na school supplies na kaya namang ibigay ng mga tambay sa Starbucks.

   
 

Ang punto ay ang tamang paggamit ng mga pondo: maliliit na pondo sa maliliit na proyekto, at malalaking proyekto sa malalaking pondo.  Hindi dapat sayangin ang malalaking pondo sa paggawa ng maliliit na proyekto.  Dahil yun ay matagal nang trabaho ng mga politiko.

   
 

—–

   
 

Huling pahabol na reaksyon sa mga comment:

Mga bata, hindi ito tungkol sa “demonization” sa mga kumpanya (“Sila kasi!”) kundi tungkol sa kung paano sila MAS makakatulong kung tutulong din lang naman sila.  Hindi ito tungkol sa mas malalaking perang maibibigay nila, kundi sa mas mabisang paggasta.  May maliit lang tayong puna sa dulo, pero ang punto ay tungkol sa isang ideya at hindi sa pambabatikos.  Iwasan natin ang kultura ng “Sila kasi!” na ipinapamana ng media, at sanayin natin ang sarili sa pagbuo ng mga ideya na makakapagpabuti sa mga kinagisnang sistema.

   
 

Higit sa lahat, stay on topic, wala sa ating mangyayari kung lahat ng problema sa edukasyon ay pagdidikit-dikitin natin at sabay-sabay na poproblemahin. =>

 

13 Responses

  1. wala ka namang galit habang sinusulat yan ano?! lol

    sila kasi! sila kasi! letcheplan!! di kasi nag iisip bago gumawa ng aksyon! di ako galit! lol

    June 21, 2011 at 9:02 pm

    • ay binibining iyah si ginoong Bob Ong ang sumulat niyan, nirepost ko lang kasi maganda ung gusto niyang sabihin…

      salamat sa muling pagbalik

      June 22, 2011 at 4:00 pm

  2. Bob Ong has valid points, but if he wants to be more realistic, I think he has to visit those schools and areas that “need” those classrooms. Thing is, bago ang pagpapatayo ng mga classroom, palagay ko kelangan din niya marealize na yung mga bata, kahit may mga classroom, ay kalimitang di nakakapasok dahil wala silang pambaon at pang transportasyon. marami silang classroom, pero di naman sila pumapasok sa eskwelahan dahil yung mga magulang nilang di makapagbigay ng pera, e hinahayaan silang mangalakal sa kalsada para may makain ang buong pamilya. Ang resulta, hindi sila natututong magbasa at magsulat, at dahil dun, bumabagsak. Pag bumagsak, swerte nang makabalik pa ulit nang pagaaral. Bakit ko to alam? kasi experience ko yan sa inaalagaan kong elementary school.

    Dapat din niyang marealize na maraming kumpanyang nagpapatayo ng mga classroom. hindi lang isa, actually, kundi mga classrooms sa isang eskwelahan. Experience yan ng aming kumpanya last year. Ang siste, kahit naitayo na ang eskwelahang may kakaibang uri ng classrooms, hindi ito magamit dahil nagkakaroon ng problema sa local government. nakialam sa funding ang local government kahit ni isang laway wala silang pinaghirapan kaya yung foundation na partner ng aming kumpanya sa pagpapatayo ng mga classrooms, hanggang ngayon e namomroblema pa rin. so siguro pwede din niyang puntahan ang mga lokal na pamahalaan at ang komunidad kung nasan ang eskwelahan. tama siya maraming pera ang mga kumpanya. pero kelangan ng shared ownership ng eskwelahan, ng pamayanan at ng lokal na pamahalaan. kung yung local government kung san ka nagdonate ng eskwelahan/classrooms, ay puro pansariling interes ang aatupagin, palagay ko, magsasawang tumulong ang mga kumpanya.

    Dapat bago niya pinayuhan ang mga kumpanyang malalaki na tumutulong kahit papano, narealize niya na dapat realistic din ang mga gusto niyang ipagawa. By that, dapat pinayuhan niya ang local government, ang communities kung nasan ang mga eskwelahan, na tumulong sa mga pribadong kumpanyang gusto lang naman makibahagi sa nation building. Ang siste, binibigay mo ang kamay mo pero ang gusto kunin ang buong katawan mo. Kainaman!

    June 24, 2011 at 9:28 am

    • tama ka po momy sa inyong mga punto. Hindi mapagkakaila na iyon na ang naging kalakaran ng mga naghihikahos nating mga kababayan. Ang katwiran ng mga magulang, mapupunan ba ng pagkatuto ang nangangalam na sikmura. Sa ganitong sitwasyon mas pinipili ng nakararaming mga kabataan na magtrabaho sa murang edad upang ipangtustos sa kanilang pangangailan at ng buong pamilya. Napakalalim at napakasalimuot na usapin. Lahat ng panig ay dapat ikonsidera. Sa aking palagay mapalad ang mga lugar na nabibiyayaan ng karagdagang silid aralan. At mabuhay naman sa mga kumpanyang may magandang adhikain upang mapalawig pa ang edukasyon. Sa mga buwayang nakakikinabang tubuan sana kayo ng hiya at maraming konsensya. :)

      July 4, 2011 at 3:44 pm

  3. Digging deeper. Lels. Memasabi lamang.

    Dapat na talagang ipatupad ang RH Bill. Hindi na kayang i-accomodate ang dami ng bata sa eskuwelahan.

    Isipin mo, kaya kulang ang classroom dahil over na sa bata.

    Punto ko lamang naman

    July 2, 2011 at 9:54 am

    • isa yan lo sa dahilan ng kakulangan sa edukasyon ng mga bata. Hal. sa sobrang dami nilang magkakapatid, idagdag pa ang naghihikahos na buhay… malamang sa kalye o kulungan ang kabagsakan ng mga kawawang batang ito.

      July 4, 2011 at 2:49 pm

  4. eratika

    malakas ang ulan sa labas…
    makikisilong sana ako hanggang sa tumila…
    maaari ba ineng na maganda :)

    July 2, 2011 at 6:14 pm

    • ai pasok po kayo bb.era, halika po at magkape muna kayo.
      pasensya na po sa bahay may kaguluhan pero sana komportable kayo :D

      July 4, 2011 at 2:50 pm

  5. WP

    Awwts natuwa ako ng bonggang-bonga sa malasakit mo sa lumalalang sitwasyon ng edukasyon sa ating bansa. At tama ka naman, kung pagtutulung-tulungan talaga ng lahat ng sektor para maiangat ulit ang kaledad ng edukasyon pati rin ng mga facilities na kung hindi luma ay talagang hindi na halos mapakinabangan ng mga musmos sigurado akong maraming kabataan ang matutuwa at ma-iinspire na bumalik ulit sa silid aralan.

    July 2, 2011 at 7:02 pm

    • tama ka po jan kuya roland, ngunit ayon nga po sa punto ni momy kaye may mga sektor na mas inuuna ang pansariling kapakanan bago ang nakakarami. At kung mas hihimayin ang ugat nito kulang pa ang buong buhay ng bawat pilipino bago matapos ang usapin.
      Hindi talaga kinakaya ng iilan ang mga ganitong pagbabago sana lahat tumulong at maging aktibo. :)

      salamat kuya sa pagdaan sa bahay ko :D
      wilkum po!

      July 4, 2011 at 3:03 pm

  6. ama dapat i-align ng mga taong may malalaking resources yung ibibigay nilang tulong sa kung ano talaga yung kailangan, hindi yung magdodonate na para may masabing naidonate lang.

    July 5, 2011 at 5:28 am

  7. L

    bat hindi na lang kaya sila mag-adopt ng mga mag-aaral na papag-aralin? kasi ‘yung physical resources, meron at merong magbibigay niyan. pero ‘yung sustenance mismo nung bata — ‘yung pagkain niya sa araw-araw, ‘yung baon niya sa school, ‘yung pambili niya ng kung anu-anong shit habang pumapasok — mahirap matugunan ‘yan. mandated ang mga corporation na maglunsad ng kung anu-anong social responsibility projects; kaya tulad nga ng sabi ni bob ong, imbes na magpapogi sa walang kakwenta-kwentang pagbibigay ng kakarampot na gamit sa eskwelahan tulad ng lapis, bolpen, notebook, etc., mas maigeng ilagak ang donasyon nila sa mas makabuluhang bagay.

    July 5, 2011 at 7:42 pm

  8. hello, lian, ‘neng.

    you raised a very important point here – the matter of proportion. and the question of tokenism ng marami pagdating sa charity. ang husay pag-umpisahan ng diskusyon….

    sakali nga’t isang araw, magkita tayo, we can discuss about this. nakakatuwa ang ideas mo… and you write well.

    hope to see more of your writings… i hope life is treating you kind these days. sabi ni h.d. thoreau, life daw maybe poor but it is not as mean as we are. hehe, gano’n… ingat! :)

    July 9, 2011 at 3:28 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 33 other followers