O, sya kayo na! The best ka…
May mga tao talagang hinihintay lang yung pagkakataong makaungos/ makalamang/ makaisa sa‘yo. Dahil iyon ang ikinasisiya ng puso nila, yung makitang mahina at wala kang laban. Dahil alam nilang sa ganung paraan lang sila magaling. Hindi mo naman masabihan o makausap ng maayos dahil sureness eh plastikan lang ang mangyayari, at dahil yun lang din ang papel nila dito sa mundong ibabaw wala kang choice kundi hayaan at hintaying tubuan ng makating mushrooms ang bibig nila. Sana suntukan nalang ang labanan, yung walang tigil na bangasan, matira matibay para magkaalamanan na.
Ok, Ako na ang war freak. Dahil hindi ako magaling sa paliwanagan, sa diskusyon talo ako dun. Aminado ako, muntanga lang ako dahil kung kelan tapos na dun naman parang fireworks lang na nagpo-pop-up sa utak ko yung mga dapat sanang sinagot ko. Tapos na, wala ng bawian. Kainismuch!
“Hindi ko na sana tinanggap ung binigay nilang ginataan, nasira tuloy tyan ko“


mga nagsipag-alsa...