O, sya kayo na! The best ka…
May mga tao talagang hinihintay lang yung pagkakataong makaungos/ makalamang/ makaisa sa‘yo. Dahil iyon ang ikinasisiya ng puso nila, yung makitang mahina at wala kang laban. Dahil alam nilang sa ganung paraan lang sila magaling. Hindi mo naman masabihan o makausap ng maayos dahil sureness eh plastikan lang ang mangyayari, at dahil yun lang din ang papel nila dito sa mundong ibabaw wala kang choice kundi hayaan at hintaying tubuan ng makating mushrooms ang bibig nila. Sana suntukan nalang ang labanan, yung walang tigil na bangasan, matira matibay para magkaalamanan na.
Ok, Ako na ang war freak. Dahil hindi ako magaling sa paliwanagan, sa diskusyon talo ako dun. Aminado ako, muntanga lang ako dahil kung kelan tapos na dun naman parang fireworks lang na nagpo-pop-up sa utak ko yung mga dapat sanang sinagot ko. Tapos na, wala ng bawian. Kainismuch!
“Hindi ko na sana tinanggap ung binigay nilang ginataan, nasira tuloy tyan ko“


awww… suntukan talaga ang labanan na gusto mo? baka talo ako dun. kurutan pwede. hehe. cool ka lang!
July 6, 2011 at 3:48 pm
momy di ka naman po kasali dun at never kang makakasali dun… ehehe,
sabi ko lang po un momy, di naman po ako na nanakit eh. harmlessmuch kaya po me.
kasalanan po un nung sirang ginataan…
July 6, 2011 at 4:03 pm
sino sino yan at ng masapak ko!! so pinakain ka ng sirang ginataan para makaisa sayo?! lamon ka kasi eh! yan tuloy! :p
meron bang makating mushroom? now ko lang nalaman eh…mutanga din! favorite ko kasi yan lalo na yung tenga ng daga! ewan ba’t tinawag na tenga ng daga, sa daga ba talaga galing yun?! toinks lang! hihihi!
wag paapi..ako din di magaling sa paliwanag kaya lagi akong nasa principal’s opis dahil nanapak ako! waaaah!!!
July 6, 2011 at 4:11 pm
bwhahaha.. yan ang napapala ng matakaw.. ehehe.
wala pa naman akong sinapak dahil sabi ko nga harlessmuch kaya me. hihihi.
makating mushroom meron nun hintayin mo yung tutubo sa mga bibig ng mga echosera…
kaw pala bb. iyah ang totoong war freak eh. (peace)
July 6, 2011 at 4:16 pm
natatawa ako sa avatar ko dito! BUNGAL! wahahaha
July 6, 2011 at 4:11 pm
oo ikaw na ang bungal na suplada… hihihihi
July 6, 2011 at 4:16 pm
dahil pala sa ginataan? hehe! masarap yon..
Gud eve.
July 6, 2011 at 8:37 pm
hello po momy razz, wilkum po sa bahay ko…
masarap nga kaso ung nakain ko po kahapon hindi… ehehe
July 7, 2011 at 10:33 am
waahhh natawa ako sa avatar ko!! kabaliktaran ko yan.. hehe
July 6, 2011 at 8:39 pm
ahahaha… feeling ko nga po kabaligtaran ninyo po yan mommy razz…
July 7, 2011 at 10:34 am
Galit ka na naman?
Sapakin mo na. Wag nang magpatumpik tumpik pa. Joke.
Chillax
July 7, 2011 at 8:10 am
hindi lolo, inis lang… ehehe
wag kawawa naman sila pagsinapak ko, ehehe. lagyan ko nalang zonrox ung water nila para maging malinis sila…ehehe, lols…
chillax naman me.
July 7, 2011 at 10:35 am
ako din ayaw ko ng maraming usap kung kailangang may dumanak ng dugo sa lalong madaling panahon eh wag ng patagalin bwahahaha
xd
July 7, 2011 at 11:20 am
whahahha… dumanak talaga ang dugo ah. Di ba tayo related talaga ate?
parang lam ko na sayo ako nagmana… ehehehe
salamat ate…
July 7, 2011 at 1:04 pm
teka lang ha. ida-digest ko muna. nagagalit ka kasi pinakain ka ng sirang ginataan o nagagalit ka kasi hindi mo nasagot ‘yung gusto mong isagot tapos pinakain ka ng sirang ginataan? XD
July 8, 2011 at 4:54 pm
hello po ginoong lio, ung pong huli mong sinabi un ang sakto. Pero inis lang. Pagkauwi ko ng bahay nag-usap kami ng sarili ko at napagdesisyunan namin na wag na lang silang intindihin. Deadskin kung deadskin…
July 8, 2011 at 5:19 pm
ang puso mo bunso… next time magbaon na ng diatab sa bulsa hane : )
July 9, 2011 at 11:51 am
opo ate era sa susunod magbabaon na ko ng diatab.. hihi. wilkum po sa kuta ko
July 19, 2011 at 4:41 pm
hello, lian!
finally, nakabalik na rin ako rito. ang tagal ko nang tina-try, google menu lang ang lumalabas pag nag-click. ngayon, wagi na, yehey!
hug na lang kita – one big, bear hug. happy weekend sa ‘yow!
July 9, 2011 at 3:20 pm
hi ate sue, welkum po ulit sa bahay ko… hug din po ako sau…
happy weekend din po
July 9, 2011 at 5:35 pm
Ako nga kumain dati ng sirang mashed potato pero keri lang kasi ako naman ang luto nun! pero kung binigay lang din sa akin parang yung ginataan mo? malamang minash ko ang mga potato nila LOL!
July 12, 2011 at 5:21 pm
musta kuya roland… salamat sa pagbisita sa bloghay ko. ahahaha…mamashed mo talaga ang potato nila ah… ehehe
August 13, 2011 at 5:09 pm
ang init naman ng ulo.. hahaha..
July 17, 2011 at 9:23 am
whaaaaaa…. di mainit ulo ko ginoong jerick.
kamusta kana? kamusta lovelife mukhang di na naman ayon sa gusto mo ah…
ingat ka parati.
August 13, 2011 at 5:10 pm
hello, lian. antay ako ng bagong post dito… i hope you are well
July 19, 2011 at 3:39 pm
ay pasensya na po ate sue kung wala pa pong walang wentang maipost… Sabaw pa po ang utak dahil sa daming tinatapos…
Salamat po sa laging pagdaan…
hugssssssssssss
August 13, 2011 at 5:11 pm
first time ko po dito.
xD
hindi ko talaga alam kung bakit me mga ganung tao sa mundong ibabaw. buti natitiis nila ang gumawa ng masama laban sa iba. tsk tsk.
August 2, 2011 at 12:31 am
kuya cheese maligayang pagbabalik! anong first time mo? ang adik mo talaga! ehehe
Ganun yata talaga, kailangan yatang sanayin nalang natin ung sarili sa mga ganung tao o kaya ay kausapin sila. Divert nalang sa mas positibong paraan para mawala ang kunot ng noo at simangot.
August 13, 2011 at 5:13 pm
Hahaha! natawa naman ako bunso, naekpiryens ko din kasi yan, pinakain ako nung taong kinaiinisan ko ng ginataan, ang sarap pa naman kasi ang daming saging at bilo-bilo. nung naubos na saka ko nalasahan parang panis na, ayun after 10 minutes kumulo na ang tiyan ko, di ko alam kung ilang hakbang nagawa ko mula sa UP diliman pauwi ng bagong silang buset! =))
August 21, 2011 at 9:12 pm